^

Police Metro

Pebrero ideklarang ‘Buwan ng Nag-uusap na Pamilya’ – solon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang makaiwas sa depresyon ay kailangan na laging nag-uusap ang magulang at anak.

Ito ang inihayag ni San Jose Del Monte City Rep.Florida “Rida” Robes at hinimok ang pamunuan ng Kamara na ideklara ang buwan ng Pebrero bilang “Buwan ng Nag-uusap na Pamilya”.

Nais ni Rep. Robes na manguna ang pamahalaan upang matugunan ang tumataas na kaso ng mga problema sa kalusugan ng isip sa mga kabataan.

Itinaas ni Rep. Robes ang alarma sa tumataas na kaso ng mga problema sa kalusugan ng isip sa mga kabataan kasabay ng mungkahing lumikha ng isang multi-agency task force na mangunguna sa mga programa at aktibidad na lilikha ng kamalayan sa kalusugan ng isip sa mga miyembro ng pamilya sa mga komunidad.

Sa isang privilege speech ni Rep. Robes noong Martes, inihayag nito ang isang mas malawak na interbensyon ng gobyerno dahil ibinunyag niya na ang depresyon, pagpapakamatay, at mga sakit sa kalusugan ng isip ay sumasalot sa kabataang Pilipino bago at maging pagkatapos ng pandemya ng Covid-19.

Batay anya sa isang pag-aaral na isinagawa ng Global School-Based Student Health Survey Phi­lippines, tinatayang 17% ng 13-17 taong gulang ay nagtangkang magpakamatay kahit isang beses sa isang taon.

Ang parehong pag-aaral ay nagpakita ng pagdodoble ng ideya ng pagpapakamatay at mga pagtatangkang magpakamatay sa ating mga kabataan mula 2013 hanggang 2021 kung saan sinabi niya na ang mga bata at kabataan (may edad 15-24) ay isinasaalang-alang na wakasan ang kanilang buhay.

vuukle comment

DEPRESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with