Hindi na holiday ngayon — Malacañang
MANILA, Philippines — Hindi na isang regular holiday ngayong araw (Pebrero 25) makaraang ideklara kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Pebrero 24 bilang isang special non-working holiday.
Sa pamamagitan ng Proclamation No. 167, inilipat ni Marcos ang holiday na dapat sana ay Pebrero 25, sa Pebrero 24 “to enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend pursuant to the principle of holiday economics… provided that the historical significance of the EDSA People Power Revolution Anniversary is maintained.”
Sa inilabas na pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, ang hakbang ng pangulo ay para bigyan ng pagkakataon ang mga Filipino na makuha ang mga benepisyo ng mahabang bakasyon.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang anunsyo ang Malacañang kung may aktibidad si Marcos na may kinalaman sa anibersaryo ng EDSA People Power.
- Latest