^

Police Metro

Laundry shop sumabog: 16 sugatan

Danilo Garcia - Pang-masa
Laundry shop sumabog: 16 sugatan
Nagkalat ang mga debris matapos na sumabog ang isang laundry shop dahil umano sa LPG gas leak na ikinasugat ng 16 katao sa F. Reyes St., Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Labing-anim na katao kabilang ang ilang estud­yante ang nasugatan sa naganap na pagsabog sa isang laundry shop at nagdulot ng isang sunog sa malapit sa De La Salle University (DLSU) sa Malate, Maynila kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Manila Police District- Malate Police Station 9 (PS-9), ilan sa nasugatan na pawang isinugod sa Philippine General Hospital (PGH) ay sina Julius Opaque, 47; Marilyn Viray, 51; Clarence Cabrera, 28; Jimmy Cabrera, 33; Dionisio Aguinsatan, 51; Janine Aguinsatan, 31; at Jaille Fito, 43.

Naisugod naman sa Adventist Medical Center ang mga biktimang sina Ken Santos, 19; Ten Pizaña, 18; Freddey Boy, 46; Reuben Burgenio, 20; Ocena Larlena Shane Costaños, 17; Angel Vivas, 56; at Jose Luis Mattias Montila, 18.

Dinala sa Ospital ng Maynila ang mga biktimang sina Almonsor Panda Moro, 20; at Alyssa Paliwan Concha, 27.

Ang mga biktima ay mga tauhan ng laundry shop, at mga kostumer at tauhan ng restaurant at bilyaran na malapit dito. 

Kabilang din sa mga biktima ay mga estud­yanteng boarder ng dor­mitoryo at isang napa­daan lamang sa lugar.

Sa imbestigasyon, alas-7:20 ng gabi nang maganap ang pagsabog sa 360 Wash and Laundry Shop na matatagpuan sa 2223 F. Reyes St., kanto ng Noli Agno St. sa Malate, na pagma-may-ari ni Sofia Ana Maria Ascaño.

Nagulantang na lamang umano ang biktima nang biglang may sumabog sa loob ng laundry shop at nang tingnan ang kanilang mga sarili ay pawang duguan na sila.

Mabilis din namang nakaresponde ang mga tauhan ng Manila Fire Department upang apulain ang apoy, na nai­deklarang fireout dakong alas-7:34 ng gabi at naiwasan na kumalat sa ibang establisimiyento.

Ayon kay MPD Director PBGen Andre Dizon, nagkaroon ng gas leak sa LPG tank ng laundry shop na nagresulta sa pagsabog.

Isa umano sa idineliber na LPG tank ay hindi maayos na naikonekta ng nagdeliber kaya hinihinala na dito nagmula ang pagsabog.

Nangako naman ang may-ari ng laundry shop na sasagutin ang gastos sa pagpapagamot sa mga biktima ngunit pinag-aaralan pa rin ng pamilya ng mga ito ang posibleng pagsasampa ng kaukulang kaso.

SABOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with