^

Police Metro

‘Favoritism’ sa PhilMech, itinanggi

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi umano uso ang “bata-bata” o favoritism sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) matapos na mai-promote sa bagong assignment ang walong tauhan dito.

Ito ang sinabi ni PhilMech Director IV Dr. Dio­nisio Alvindia sa napaulat na favoritism dahil lang sa nabigyan ng bagong assigment ng walong PhilMech personnel sa mataas na position na nararapat lamang dahil sila ang nakapagbigay ng mahusay at dekalidad na serbisyo sa kani-kanilang trabaho para sa kanilang mga stakeholders.

Ayon kay Alvindia, highly qualified at competent sa position ang walo sa kanilang bagong position bilang Deputy Director at Division chiefs at lahat sila ay mula sa PhilMech employees at hindi tagalabas galing na walang karanasan sa larangan ng agrikultura.

Nabatid na ang walong opisyal na pinalitan sa posisyon ay may nakabinbing kaso ng administratibo at sila rin ang dahilan ng pagkakaantala ng implementasyon ng mga proyekto sa PhilMech na magbibigay sana ng benepisyo sa mil­yun-milyong magsasaka sa bansa.

Inihayag pa ni Dir. Alvindia na ang kaganapan ngayon sa PhilMech ay bahagi ng programa ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na linisin at tanggalin ang mga corrupt, incompetent at negligent personnel sa alinman sangay ng pamahalaan.

vuukle comment

FAVORITISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with