^

Police Metro

144 bagong subvariants ng Omicron, natukoy

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 144 na bagong kaso ng Omicron subva­riants sa pinakabagong genome sequencing report ang natukoy ng Department of Health (DOH).

Sa huling biosurveillance report, nabatid na may 81 bagong BA.2.3.20 kaso ang naitala, isang kaso ng BA.2.75, pitong kaso ng BA.5; 43 kaso ng XBB, isang kaso ng XBC, at 11 kaso ng iba pang Omicron subvariants.

Ang mga ito ang resulta umano ng pinakahuling sequencing na isinagawa mula Disyembre 27, 2022 hanggang Enero 2, 2023.

Pawang mga lokal na kaso ang mga naiulat na BA.2.3.20 na nagmula sa Regions 3, 4A, 4B, 6, 8, at sa Metro Manila.

Ang isang kaso ng BN.1 na iniulat sa ilalim ng BA.2.75 ay nagmula naman sa Region 6 habang ang mga bagong kaso ng BA.5 ay mula sa Regions 3,4B, 6 at 12.

Subalit,ang bagong tukoy na XBB cases ay nagmula sa Regions 3, 4A, 6 at sa Metro Manila habang ang dagdag na XBC case ay galing naman sa Region 6.

OMICRON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with