^

Police Metro

Malacañang walang sisibaking empleyado

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy na mananatili sa puwesto ang mga opis­yal at kawani ng gobyerno sa ilalim ng Office of the President.

Matapos na mag-isyu ng Memorandum Circular­ No. 12 ang palasyo na pir­mado ni Executive Sec. Lucas Bersamin kung saan pinahintulutan ang pagpapatuloy ng trabaho at tungkulin ng Officers-in-Charge (OICs) at Career Executive Service (CES).

Ito ay para matiyak umano na walang-tigil na operasyon sa gobyerno, habang isinusulong ang kakayahan, merito at ka­angkupan sa pagpili at pag­hirang ng mga opisyal at tauhan ng mga kagawaran, ahensya, kawanihan at opisina sa Executive Branch.

Sa ilalim ng circular, ang OICs, kasama ang Non-Career Executive Service Officials na nakaupo sa CES positions ay mag­papatuloy sa kanilang trabaho hangga’t may maita­laga sa posisyon o kapalit at maliban na lamang kung tinanggal, alinsunod sa mga kailangan at requirement sa kani-kanilang departamento, opisina at katulad.

Nakasaad pa sa circular­, na ang CES eligibles na nasa CES positions ka­­bi­lang ang on-stream can­­di­dates para sa CES eligibility ay mananatili sa trabaho, maliban na lamang kung reappointed o papalitan, o kung ang successors ay appointed o designated.

Matatandaan na sa Memo Circular No. 7, hang­­gang Dec. 31, 2022 na lamang dapat sa serbisyo ang mga opisyal at kawani ng Office of the President na co-terminus sa dating appointing authority.

EMPLEYADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with