^

Police Metro

Sister ng mayor sa Leyte, todas sa ambush

Miriam G. Desacada - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 77-anyos na ginang na kapatid ng alkalde sa bayan ng San Isidro, lalawigan ng Leyte ang nasawi nang ito ay pagba­barilin habang sakay ng kanilang sasakyan sa naganap na ambush sa kahabaan ng national highway, Sitio Ka­mote, Barangay Libo­ngao Kananga, Leyte, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na nasawi noon din ay nakilalang si  Juanita Balmoria Veloso sa tinamong limang tama ng bala sa katawan.

Sa ulat, alas-4:00 ng hapon ay sakay ang biktima na may tatlong kasama sa loob ng Land Cruiser nang sila ay pagbabarilin ng mga suspek na lulan ng isang pribadong sasakyan na kung saan ay naplakahan ng mga saksi na AVN-7103.

Ang biktima ay  isang retiradong municipal admi­nis­­trator ng San Isidro, ay kapatid ng kasalukuyang alkalde na si Mayor Remedio Veloso.

Ipinag-utos ni Police Regional Office-8 Regional Director, P/Brig. General Rommel Marbil ang malaliman na imbestigasyon sa Kananga Municipal Police na nagsagawa na rin ng pagtugis sa mga suspek.

Narekober sa lugar ng krimen ang nasa 40 basyo ng bala.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang madetermina kung ang motibo ng pagpatay sa biktima ay politically motivated o personal na away at pagkilala sa mga gunmen at sino ang nasa likod ng ambush.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with