RPMD: 3 solon sa lalawigan ng Ilocos angat sa survey
MANILA, Philippines — Sa isinagawang pambansang survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) para sa lahat ng miyembro ng House of Representatives sa kanilang overall performance para sa buong taong 2022 ay umangat ang mga kongresista sa lalawigan ng Ilocos.
Statistically tied sa 93% sina Deputy Speaker 2nd District Ilocos Sur Rep. Kristine Meehan-Singson at Senior Deputy Majority Leader 1st District Ilocos Norte Rep. Ferdinand “Sandro” Marcos sa performance rating sa Ilocos Region. Pumangalawa naman si Christopher “Toff” De Venecia ng Pangasinan (District 4) na may 89% rating; Marlyn “Len” Primicias-Agabas ng Pangasinan (District 6) -86% rating, Paolo Ortega ng La Union (District 1) -84% rating; at panglima si Rachel Arenas ng Pangasinan (District 3) na may 82%.
Ipinahayag ni Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD, na ang mga rating at ranking ng bawat district representative ay itinakda ng kanilang mga nasasakupan batay sa mga sumusunod na pamantayan: “representation,” “legislation” at “constituent service.”
Lumalabas din sa survey ng “Boses ng Bayan” ng RPMD na tumanggap ng matataas na marka sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakakuha ng 93% at Bise Presidente Sara Duterte ay 88 % para sa kanilang pagganap sa trabaho sa Ilocos Region. Ang survey na “RPMD Boses ng Bayan,” na isinagawa noong Nobyembre 27-Disyembre 2, 2022, isinagawa bawat distrito sa bawat rehiyon na may kabuuang 10,000 respondents na tinanong “Inaprubahan mo ba o hindi sinasang-ayunan ang paraan ng paghawak ni [pangalan ng Kinatawan ng Distrito] sa kanyang trabaho bilang Congressman/Congresswoman?” Ang margin of error ay plus o minus one percent.
- Latest