^

Police Metro

Ginang pinugutan ng ulo dahil sa kalabaw

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil lamang sa kanyang kalabaw na ipinabuntis ang naging dahilan ng kamatayan ng isang ginang matapos pugutan ng ulo ng kanyang kapitbahay habang malubhang nasu­gatan ang pamangking babae, naganap kamakalawa sa lalawigan ng Negros Occidental.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Gelly Recodo, 58-anyos, habang ginagamot sa ospital ang pamangkin nitong si Bernalyn Abranilla, 35, at kapwa residente ng Sitio Pisong Barangay Dian-ay, Escalante City.

Agad namang naaresto ang suspek na kinilalang si Randy Maniego, 35, ‘bakero’ at kapitbahay ng biktima.

Batay sa report ng Sagay City Police Station, alas-7:00 ng umaga nang maganap ang krimen sa Purok Himaya, Barangay Maqui­ling ng naturang lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nag­lalakad ang mga biktima sa nasabing lugar nang makasalubong nila ang suspek na may bitbit na itak at walang kaabug-abog na tinagpas ng suspek ang ulo ni Recodo at humiwalay ito sa kanyang katawan na naging sanhi ng kamatayan.

Sunod namang pinagtataga ng suspek si Abranilla na tinamaan sa tiyan at naputol ang tatlong daliri nito at sa kabila ng mga sugat na tinamo, nagawa pa nitong makatakbo at hu­mingi ng tulong saka dinala sa ospital para lapatan ng lunas.

Nabatid na nagtanim ng galit ang suspek sa biktima dahil sa hindi umano nito tinupad ang kasunduan sa bayaran na ibinuntis na kalabaw.

vuukle comment

CARABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with