Nasawi kay ‘Paeng’ nasa 154 na
MANILA, Philippines — Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umakyat na sa 154 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Paeng. Sa naturang bilang, 101ang kumpirmadong nasawi habang ang 53 ay sumasailalim pa sa beripikasyon. Karamihan sa mga nasawi ay galing sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na umabot sa 63 katao, kasunod ang Western Visayas at Calabarzon na parehong nakapagtala ng 33 na nasawi. Nasa 128 katao naman ang naiulat na nasugatan habang 35 iba ang naiulat na nawawala. Pumalo na sa P2.7 bilyong halaga ng agrikultura ang nasira habang nasa P2.9 bilyong halaga naman ang nasira sa sector ng imprastraktura. Mayroon nang 437 na lungsod at munisipalidad sa bansa ang isinailalim na sa state of calamity.
- Latest