Tsino na lider ng pyramid scam, nadakip
MANILA, Philippines — Isang Chinese national na lider umano ng isang pyramid investment scam ang naaresto sa isang operasyon sa Malate, Maynila kamakailan.
Nakaditine na sa BI-Warden Facility ang 44-taong gulang na si Fu Qihao, makaraang maaresto ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit noong Setyembre 23.
Isang arrest warrant ang inilabas para sa kaniyang pag-aresto ng mga tauhan ng ‘public security bureau’ ng Shanghai, China makaraang makapambiktima ng kaniyang mga kababayan sa kaniyang pyramid scam.
Nadakip din ng BI ang Norwegian na si Karstein Kvernvik, alyas Krokaa Karstein Gunnar, sa kaniyang bahay sa Sameerah Subd., Angeles City, Pampanga, noong Setyembre 24.
Nabatid na isang ‘high profile fugitive’ si Kvernvik dahil sa patung-patong na kasong sekswal at sangkot umano sa panggagahasa sa ilang dalagita na mas mababa pa sa 14-taong gulang sa Norway.
- Latest