^

Police Metro

4 Vietnamese arestado sa illegal fishing sa Palawan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na Vietna­mese fishermen ang inaresto ng pinagsanib na puwer­sa ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Kalayaan, Philippine Navy (PN) at Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MG) sa kagaratang sakop ng Pag-asa Island, Kalayaan, Palawan, kamakailan.

Ang nasabing mga mangingisda ay nahuli sa akto na ilegal na nangingisda gamit ang sodium cyanide at kinumpiska ang fishing vessel na gamit ng mga Vietnamese na tinawag na “sampan.”

Kakasuhan ng pag­labag sa Sections 91 at 92 ng Republic Act No. 10654 o ang “Philippine Fisheries Code of 1998.” ang mga Vietnamese na nanatiling nasa kostudiya ng PCG District Palawan para sa karagdagang im­bestigasyon at tamang disposisyon, matapos silang maaresto noong Sept.18.

ILLEGAL FISHING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with