^

Police Metro

Mandatory drug test sa mga artista suportado ng PNP

Doris Franche - Pang-masa
Mandatory drug test sa mga artista suportado ng PNP
Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. at suportado nila ang pa­nawagan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na mandatory drug tests dahil nagsisilbing modelo ang mga ito sa publiko.
File

MANILA, Philippines — Dapat lang sumailalim sa drug test ang mga artista sa telebisyon at radyo bago bigyan ng pelikula at ibang proyekto.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. at suportado nila ang pa­nawagan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na mandatory drug tests dahil nagsisilbing modelo ang mga ito sa publiko.

Ayon kay Azurin, uma­apela siya sa mga mala­laking television network gayundin ang actors guild na magkusang kumilos at maipa­kita ang tulong sa kam­panya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.

“We encourage yung mga giant networks, even yung actors’ guild. Sila na magkusa parang nang sa ganun ay maipakita nila na tumutulong sila sa ating kampanya laban sa illegal na droga,” ani Azurin.

Inaasahan din niya ang boluntaryong pagpapa­sailalim sa drug tests  ng mga  artista na indikasyon na malinis at hindi sangkot sa paggamit ng droga.

Ang aksiyon ng PNP ay kasunod ng pagkakaaresto sa aktor na si Dominic Roco at apat pa sa isinagawang anti-drug operation sa Quezon City, kamakailan.  

DRUG TESTING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with