^

Police Metro

Kaso ng tigdas, tumaas

Danilo Garcia - Pang-masa
Kaso ng tigdas, tumaas
Ito ay batay sa tala ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) kaugnay ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kabataang may tigdas sa iba’t ibang panig ng mundo.
AFP

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health na tumaas lalo ang naitatalang kaso ng sakit na tigdas (measles) sa bansa na  ngayon ay nasa 350 kaso.

Ayon pa sa pinakahuling Measles Surveillance Report, ang naturang bilang ay naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 13, ngayong taon.

Mas mataas ito ng 157 porsyento kumpara sa naitalang 136 kaso noong 2021 sa parehong mga buwan.

May pinakamataas na naitala sa Central Visayas na may 52 kaso, kasunod ang CALABARZON na may 46 at ang National Capital Region (NCR) na may 38.

Pinakamalaking itinaas sa mga kaso ang Central Visayas mula apat na kaso patungo sa 51 kasunod ang MIMAROPA na mula sa 2 kaso ay naging 15.

Wala pa namang naitatalang nasawi dahil sa tigdas sa buong bansa sa nabanggit na panahon.

Sa kabila ng aksyon ng ilang lokal na pamahalaan laban sa pagsusuot ng face mask, nanindigan ang DOH sa patuloy na paggamit nito dahil sa bukod sa COVID-19 ay maiiwasan din ang mahawa sa ibang sakit tulad ng tigdas na nakukuha rin buhat sa isang may sakit sa pamamagitan ng ‘droplets’ mula sa pag-ubo, pagbahing, pakikipag-usap.

TIGDAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with