^

Police Metro

Senado magpapatupad ng tatlong linggong lockdown

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos na magkakasunod na tamaan ng COVID-19 ang tatlong Senador nitong nakalipas na isang linggo ay magpapatupad ang Senado ng tatlong linggong lockdown sa pagtanggap ng bisita sa gusali.

Ito ang inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri at sinabing  sa mga pagdinig ng senado ay hanggang dalawang resource persons lang ang maaaring dumalo para sa bawat ahensiya na kanilang iimbitahin at hanggang dalawang staff lang ang maaari nilang isama.

Anya, kailangan din nilang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test na kinuha sa loob ng 24-oras bago sila pumunta sa Senado o kaya negatibong antigen test na kinuha sa loob ng 12 oras bago pumunta sa Senado at dapat ay DOH accredited ang kukuha ng test.

Para naman sa mga senador, hanggang da-lawa lang ang maaari nilang isamang staff sa session hall sa pagdinig para malimitihan ang tao at hindi na maulit sa mga nakaraang araw na halos puno ang session hall dahil sa kanilang mga staff.

Habang sa elevator naman ay balik sa limang tao lang ang sakay kada andar.

Sa inilabas din na guidelines, maaaring pisikal na dumalo sa sessions, subalit virtual na dadalo sa sesyon kung positibo sa virus, kung may sintomas at may direktang exposure sa nagpositibo.

Ayon kay Zubiri, pag- iingat lang ito dahil may mga senador at  mga staff ng senado ang may comorbidities, tinukoy naman niya sina Senators Alan Peter Cayetano, Imee Marcos at Cynthia Villar na sunud-sunod na nagka-COVID-19.

LOCKDOWN

SENATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with