‘Motornapper,’ na nasita sa pag-ihi sa tabing-kalsada, patay sa shootout
MANILA, Philippines — Napatay ng mga pulis ang isang lalaki nang ito ay manlaban nang sitahin habang umiihi sa tabing-kalsada na walang suot na face mask, kahapon ng madaling araw sa Brgy. Kristong Hari, Quezon City.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa suspek na inilarawan lamang na may taas na 5’1”, katamtaman ang laki ng pangangatawan, nasa 30 hanggang 35-anyos, nakasuot ng puting V-neck t shirt, asul na shorts, at tsinelas, at may tattoo na ‘Bahala Na’ sa katawan.
Sa ulat ng QC-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa gilid ng Quezon City Sports Complex, na matatagpuan sa St. Peter Julian Eymard Drive ng nasabing barangay ay nagsasagawa ng anti-criminality patrol ang mga operatiba ng PS-11 sa pamumuno ni PLt. Col. Christopher Ian Ang, ay naispatan nila ang suspek na walang suot na face mask, at may nakasukbit na baril sa beywang, habang umiihi sa sidewalk malapit sa isang nakaparadang motorsiklo.
Nilapitan ng mga pulis ang lalaki at sinita ngunit bigla na lang umano itong bumunot ng baril at kaagad silang pinaputukan.
Kaagad gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.
Nauna rito, nakatanggap sina PCPLs Jojo Antonio at Isias Depedro, ng QCPD-Kamuning Police Station 10, mula sa isang James Ralph Enrile, na tinangay ng ‘riding-in-tandem’ ang kaniyang kulay sky blue na Yamaha NMax motorcycle sa Palansa St., Brgy. Santol, QC.
Natukoy ng mga otoridad na ang motorsiklong dala ng suspek ay ang motorsiklo ni Enrile na positibo ring ang napatay na suspek, na isa sa dalawang lalaking tumangay sa kaniyang motorsiklo.
- Latest