^

Police Metro

7 illegal online sabong websites ipinasara ng DILG

Mer Layson - Pang-masa
7 illegal online sabong websites ipinasara ng DILG
Television showing feeds of cockfight events.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Nasa 7 illegal online websites na nag-o-operate ang naipasara na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kasunod ng crackdown ng pamahalaan.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, iniimbestigahan na rin ngayon ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cyber Crime Group kung sinu-sino ang mga admi­­nistrators ng mga nasabing websites upang masam­pahan ng kaukulang kaso.

Sinabi ni Malaya na nagsasagawa na rin ang PNP ng cyberpatrolling oper­ations upang matunton ang iba pang websites, applications, at social media platforms na ilegal na nag-o-operate sa kabila nang direktiba ni Pang. Rodrigo Duterte.

Sa nasabing 12 websites, dalawa lamang umano ang rehistrado sa Pilipinas­ habang ang iba pa ay ma­tatagpuan sa ibang bansa.

May nadiskubre rin aniya­ silang ilang Facebook pages at mga grupo na nagpu-promote ng e-sabong at siyang magbibigay ng link, kung magpapadala ka ng men­sahe sa kanila.

Sinabi ni Malaya na hiniling na nila sa Meta, ang parent company ng Face­book, na kaagad na burahin o suspindihin ang mga natu­­rang FB pages.

vuukle comment

ONLINE SABONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with