DOE: Walang brownout sa halalan bukas
MANILA, Philippines — Walang magaganap na brownout sa darating na halalan sa buong bansa bukas, Mayo 9. Ito ang tiniyak kahapon ng Department of Energy (DOE) sa publiko bilang tugon sa mga agam-agam at pangamba na posibleng mabalam ang halalan sa pagkakaroon ng mga brownout.
Ayon kay DOE-Electric Power Industry Management Bureau Director Mario Marasigan, sinimulan na nilang subaybayan ang power situation noon pang nagdaang Mayo 2 para matiyak na stable at sapat ang suplay ng kuryente na laan sa panahon ng halalan sa bansa.
“So far wala tayong nakikitang mga problema o potensyal na problema pagdating sa serbisyo ng kuryente lalong na sa eleksyon,” pahayag ni Marasigan.
Sinabi ni Marasigan na nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa grid operator, National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), power generation companies, at distribution utilities sa pag-monitor sa power situation sa loob ng 24 oras mula noong Mayo 2.
- Latest