12 menor na ibinubugaw, nasagip
MANILA, Philippines — Nasagip ng mga otoridad ang 12 menor de edad na babae sa isang establisyemento at dalawang bugaw ang naaresto, kamakalawa sa Taguig City.
Kinilala ang dalawang naarestong bugaw na sina Wilma Carambas, 39; at Rowena Ruiz, 33, na kinasuhan sa paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) na inamyendahan ng RA 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012).
Sa ulat, ala-1:45 ng hapon nang salakayin ng mga tauhan ng Women and Children Protection Center-Transnational Crime Investigation Task Force (WCPC-TCITF) ang Secret Haven Vacation Home, sa Bay Breeze Executive Village, Barangay Hagonoy, Taguig.
Nahuli ang dalawang suspek nang kumagat sa pain ng mga nagpanggap na kliyente sa pagkuha ng mga babae para sa panandaliang aliw.
- Latest