Kalbaryo ng tubig sa CAMANAVA hanggang Mahal na Araw
MANILA, Philippines — Aabutin hanggang Mahal na Araw ang kalbaryo ng mga residente sa CAMANAVA (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela) nang inanunsyo ng Maynilad na tuloy ang off-peak daily water interruptions hanggang Abril 15.
Sa abiso ng Maynilad, mawawalan ng suplay ng tubig sa lugar mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng madaling araw dahil umano sa pagtaas ng pangangailangan sa tubig dulot ng mainit na panahon.
Dahilan din nito ay ang mabilis na pagkaubos ng tubig sa mga reservoir.
Ang mga nasabi umanong interruptions ay makatutulong para makapagpuno ang Maynilad ng mga reservoir tuwing gabi bilang paghahanda sa mataas na demand kapag peak hours tuwing umaga.
Unang nasampolan ang lungsod ng Valenzuela ng water interruption, kung saan umabot sa 23 barangay ang nawalan ng tubig mula Miyerkules ng 10 pm, Marso 9, hanggang 6 am ng Huwebes, Marso 10. Kasunod nito ay nagputol na din ng supply ng tubig sa mga katabing lungsod ng Caloocan, Malabon at Navotas kapag off-peak hours.
- Latest