^

Police Metro

Maglalapit ng gobyerno sa publiko: Multi-Purpose Hall sa Quezon City, ipinatayo ni Councilor Belmonte

Mer Layson - Pang-masa
Maglalapit ng gobyerno sa publiko: Multi-Purpose Hall sa Quezon City, ipinatayo ni Councilor Belmonte
Pinangunahan ni Quezon City Councilor Mikey Belmonte (ikalawa mula kanan) ang itinatayong Multi-Purpose Hall sa Nagsaka sa Batasan Hills na naglalayong mailapit ang pamahalaan sa publiko para sa mas mabilis na pagseserbisyo. Bukod sa Nagsaka Multi-Purpose Hall may walo pang Multi -Purpose Building ang nakatakda ring itayo sa ibat-ibang lugar sa District II.

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni District II Councilor Mikey Belmonte ang konstruksiyon ng isang Multi-Purpose Hall sa Nagsaka Block 2, Barangay Batasan Hills, Quezon City sa layuning mas higit pang mailapit ang pamahalaan sa publiko.

Naging posible ang proyekto sa tulong at suporta ni Senator Christopher “Bong” Go, at ng mga barangay chairman na sina Maning Co, Manny Guarin, Jojo Abad at Willy Cara.

“It shall serve as a venue for the delivery of government services, for us in City Hall to bring the City Government closer to our constituents,” ayon kay Belmonte.

Dagdag pa ng konsehal, magbebenepisyo rin sa proyekto ang senior citizens at persons with disabilities (PWDs) dahil magiging mas madali na para sa kanila ang pakikipag-transaksiyon sa lungsod.

Nabatid na ang natu­rang Multi-Purpose Building ang magiging venue para sa government ­mee­tings at mga aktibidad, at tanggapan na rin kung saan ang mga peoples organizations ay maaaring mapalakas sa pamamagitan ng kinakailangang capacity building interventions.

Kumpleto ang nasabing mga gusali na magkakaroon ng mga hall at restrooms na maaa­ring gamitin sa panahon ng mga pagpupulong. Mayroon din itong mala­king reception area upang matiyak na may sapat itong kapasidad para ma-accommodate ang publiko.

 “Aside from the Nagsaka Multi-Purpose Hall, I would also like to announce that there are also plans underway for the construction of eight more Multi-Purpose Buildings to be located within District II, sites have already been identified in Brgys Batasan Hills, Payatas, Commonwealth, and Bagong Silangan,” pahayag pa ni Belmonte.

MIKEY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with