^

Police Metro

Healing adyenda ibinida sa COVID-19 response

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nagpaa­lam si Quezon 4th District Rep. Helen Tan sa kanyang mga constituent sa pagtatapos ng kanyang termino na tumagal ng siyam na taon.

Sa kanyang ulat ng panunungkulan, ipinagmalaki ng kongresista ang kanyang HEALING adyenda, pagtugon sa COVID-19.

Ang kanyang HEA­LING adyenda ay kumakatawan sa plataporma de gobyerno para sa Health, Education, Agriculture, Livelihood, Infrastructure, Nature and Environment/Tourism, at Good Governance na nakatakda nitong palawakin sa kanyang pagtakbo bilang gobernador ng Quezon Province.

Naging mainit ang pagtanggap ng higit dalawang libong katao na dumalo sa pagtitipon at FB Live kasama ang mga board member ng Sangguniang Panlalawigan, mga mayor, at iba pang opisyal ng mga lokal na pamahalaan kasama ang iba pang mga panauhin mula sa national government at pribadong sektor.

Binigyang diin ni Tan ang pandemic response ng kanyang tanggapan kung saan umabot sa tinata­yang 700,000 food packs kasama ng halos 18,000 mga bitamina at gamot ang naipamigay sa mga tinamaan ng pandemya.

Tampok sa kanyang report ang 115 na mga batas na kanyang isinulong kung saan 37 dito ang kanyang prinsipal na iniakda na kinatatampukan ng Universal Health Care Act, Tuberculosis law, Mandatory PhilHealth Coverage for Senior Citizens, at Doktor Para sa Bayan Act kasama ang pagtatayo ng Southern Luzon Multi-Specialty Medical Center sa Barangay Potol, Tayabas City.

HELEN TAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with