‘Missing sabungeros’ posibleng patay na — Duterte
MANILA, Philippines — “Maaaring patay na ang mahigit sa 30 nawawalang mga sabungero.”
Ito ang hinala ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang inihayag sa pagbisita sa Palo, Leyte at ibinunyag na mayroong sindikato sa loob ng sabungan.
Iginiit pa ng pangulo na ang mga sabungero na nawawala ay hindi malayong nanabotahe ng laban at ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbabad sa tubig ng manok para sipunin at magkasakit kaya sa ganitong paraan sa pagsapit ng laban kinabukasan ay mahina na ito at tiyak na matatalo.
Ayon kay Duterte, posibleng nahuli ng mga sindikato ang pananabotahe ng mga sabungero kaya nalagay sa peligro ang kanilang buhay at maaari rin umanong pumusta rin ang mga sabungerong ito depende sa naging kasunduan o pakikipagtransaksyon.
Pinapaubaya na ni Pangulong Duterte sa mga otoridad ang pagresolba sa mga kaso at mailabas ang puno’t dulo ng mga nasabing insidente.
- Latest