Pagkakulong sa konsehal ng Lopez, Quezon, ‘di illegal
MANILA, Philippines — Walang illegal sa naganap na pagkakulong sa isang konsehal ng Lopez, Quezon.
Ito ang tahasang sinabi ni Atty. Merito Lovensky Fernandez sa panayam sa radio tungkol sa nangyaring pagkakakulong ni Lopez, Quezon Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde sa Pangasinan.
“Kung ito ay may asunto sa korte, ibig sabihin ay naisyuhan ito ng warrant of arrest kaya siya nakulong. So yung kanyang detention is not illegal. Na-detain siya because of a case and warrant of arrest na na-issue.” pahayag ni Atty. Fernandez.
Sinabi pa ng abogado na wala rin aniyang pananagutan ang korte at ang mga pulis na nag-issue ng warrant of arrrest at humuli kay Yulde hanggang sa ito ay makulong dahil hindi mag-iisyu ang judge warrant of arrest kung walang nakikitang probable sa kaso. “This is more a political propaganda to smear the name of congresswoman Helen and Director Ronnel Tan than a case,” dagdag pa ni Fernandez.
- Latest