Brownout sa halalan, paghandaan – Sen. Win
MANILA, Philippines — Iginiit ni Senador Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) at mga power utilities na maglatag ng mga contingency measures para matugunan ang napipintong brownout lalo na pagdating ng eleksyon bunsod ng numinipis na suplay ng kuryente.
Ayon sa senador, isang solusyon ang Interruptible Load Program (ILP), kung saan pwedeng makakuha ng kuryente ang distribution utility (DU), tulad halimbawa ng Meralco, sa mga kumpanyang may stand-by generation capacities upang maiwasan ang kakulangan sa kuryente.
Kailangan din aniyang magsagawa ng monitoring ng maintenance schedule ng mga planta ng kuryente para maiwasan ang unscheduled outages.
Ayon kay Gatchalian, tanging ang mga hydropower generators lamang ang pinapayagang magsagawa ng plant maintenance tuwing panahon ng peak quarter.
Nanawagan din si Gatchalian sa Energy Regulatory Committee (ERC) na mahigpit na ipatupad ang pagpapataw ng parusa sa mga hindi sumusunod na planta at pangasiwaan ang pagsunod ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa obligasyon nitong kumuha ng ancillary supply upang magkaroon ng sapat na ancillary services (AS) o mga reserbang kuryente bilang paghahanda sa nagbabadyang kakulangan sa suplay.
- Latest