^

Police Metro

Biyahe ng mananakay, bibilis at ligtas sa PASADA

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magiging ligtas at mapapawi na ang takot ng mga commuters sa adhikain ng Pilipino Society and Deve­lopment Advocates (PA­SADA) sakaling makaupo sa Kongreso sa Mayo 9.

Sa ginanap na laun­ching ng PASADA, sinabi ni Dom Hernandez, Secretary Ge­neral ng grupo, tatlong aspeto lamang kanilang isusulong at kinabibilangan ito ng pagsasalegal ng mga kolorum dahil malaki ang kakula­ngan sa mga pampublikong sasakyan at sa dami ng mga mananakay; pagpapatupad ng intermodal terminal upang matiyak na may masasakyan pa ang mga commuter sa pag-uwi at pagbibigay ng  kaha­lagahan sa mga transport workers sa pamamagitan ng pagpapaigting ng slogan na ‘Sama-Sama sa Pasada’ na adhikain ng grupo.

Anya nangangalap din sila ng 150,000 signature mula sa mga commuters at iba pang sektor upang matulungang maresolba ang mga kinahaharap na problema ng mga commuters araw-araw.

Ipinakilala rin ang PASADA Babes na isang All Female Commute Dance Crew na naghahayag ng kanilang karanasan sa pagbibiyahe sa pamamagitan ng pagkanta at pagsasayaw. Ayon kina Shante, Jai, Shin, Kim at Mary bagama’t ma­laking problema sa kanila ang kakulangan ng masasakyan idinadaan na lamang nila ito sa paggawa ng kanta at pagsasayaw dahil may mas malaking problema pang naka-abang sa bansa at ito ay ang pan­demyang dulot ng COVID 19.

PASADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with