Alert Level 2 sa Metro Manila, masyado pang maaga – DOH
MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ng Department of Health (DOH) na masyado pang maaga para ilagay sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) o Metro Manila sa pagpasok ng Pebrero.
Binigyang diin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing na ang “peak” ng mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ay inaasahan sa pagtatapos ng Enero o sa kalagitnaan ng Pebrero.
Inasahan din na ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay dodoble pa sa ikalawang linggo ng Pebrero.
“It’s too early to declare or to say to our people that we will shift or de-escalate to Alert Level 2,”ani Vergeire.
Ang NCR at 50 ibang lugar sa bansa ay nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang sa katapusan ng buwan.
Nauna rito, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa sa isang panayam na posible nang ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila pagsapit ng Pebrero.
- Latest