413 areas inilagay sa granular lockdown
MANILA, Philippines — Nasa 413 areas sa bansa ang nasa ilalim ngayon ng granular lockdown.
Ito ang iniulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kay Pang. Rodrigo Duterte nitong Martes ng gabi, nasa 7,000 households o 29,815 indibidwal ang apektado ng smaller-scale quarantine na ipinatutupad sa mga barangay at mga kalsada na tinukoy ng mga local government units (LGUs) bilang “critical zones” o high-risk sa COVID-19.
Base sa datos ng DILG, nabatid na ang MIMAROPA ang nangunguna sa listahan na may 118 areas na naka-lockdown, kasunod ang Cordillera Administrative Region (CAR) na may 108.
Gayunman, ang Region V o Bicol Region ang may pinakamaraming apektadong household na nasa 5,430 o 25,734 indibidwal kahit nasa 11 lugar lamang doon ang nasa ilalim ng granular lockdown.
- Latest



















