Higit 10K indibiduwal, nag-aplay sa Pangkabuhayang Quezon City program
MANILA, Philippines — Naabot na ng Quezon City government ang target na mahigit 10,000 aplikasyon para sa Pangkabuhayan QC program.
Bunga nito, sinabi ng Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) na pansamantalang titigil muna ang pagtanggap ng online at offline applications na sasailalim sa programa para bigyang daan ang pag-evaluate sa lahat ng dokumento na naisumite ng mga aplikante para dito.
Ang Pangkabuhayang QC ay isang livelihood training at financial assistance program para sa mga residente ng QC na nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemic at yaong may mga negosyo na bumagsak ang hanapbuhay dahil sa epekto ng COVID.
Naglaan ang QC government ng 150 million para sa first phase ng programa at ang bawat aplikante ay maaaring tumanggap ng P5,000 hanggang P20,000 para sa panimulang pang-negosyong papasukin.
Sinabi naman ni QC Mayor Joy Belmonte na ang hakbang ay bahagi ng programa na matulungan ang bawat mamamayan ng QC na makabangon mula sa epekto ng pandemic sa kanilang pamumuhay.
- Latest