^

Police Metro

Dolomite Beach sa Manila Baywalk, dinagsa

Ludy Bermudo - Pang-masa
Dolomite Beach sa Manila Baywalk, dinagsa
Dinagsa agad ng mga tao ang unang araw nang pagbubukas sa publiko ng Manila Baywalk Dolomite Beach kasabay sa unang araw nang pagpapairal ng Alert Level 3 sa Metro Manila.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Binuksan na kahapon ang Manila Baywalk Dolomite Beach kasabay sa unang araw nang pagpapatupad ng Alert Level 3 sa Metro Manila.

Ayon kay  ni Environment Undersecretary Jonas Leones, ang nangyaring pagbubukas kahapon ay ‘soft opening’ lamang at iba aniya sa dry run na ginawa noon.

Layunin nang pagbubukas ay upang mabigyan ng kasiyahan ang mga mamamayan na matagal na nalungkot dahil namalagi sa loob ng kanilang bahay sa mahabang panahon kaya maaaring maging alternatibong pasyalan ang Dolomite Beach.

Bukas ang beach simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng tanghali at alas-3:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.

Hindi na kailangan pang magpakita ng vaccination card at hindi na rin limitado sa 5 minuto ang pananatili sa beach.

Mahigpit naman ang pagpapatupad ng mga health protocols at ang paalala sa pamamagitan ng mga staff na may hawak na signages na ‘observe physical distancing’.

“We will make sure that we strictly observe ‘yung health protocol natin.  Face mask importante, pero face shield optional,” aniya pa.

Kahit aniya, may nakikita pang mga basura, dala lamang umano ito ng masamang panahon tulad ng bagyo.

Mas malaki umano ang pagbabago ng water quality sa nasabing beach kumpara noon at posible na ring payagang makapaligo roon sa mga susunod na buwan sakaling mag-improve pa ang kalidad ng tubig.

Bubuksan din ang ibang bahagi ng beach sa mga susunod na linggo.

BAYWALK AREA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with