^

Police Metro

Ginang na kumalas sa ex-lover, inutas

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 32-anyos na ginang ang nasawi nang ito ay pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay ng dating lover naganap kamakalawa sa Purok 4, Brgy. Nabonton, Ligao City, Albay.

Ang nasawi dahil sa tinamong dalawang tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Katrina Bartolome Pedres, may-asawa. Habang tinutugis na ang suspek na si Rodel “Roque” Mansion Bongol, 39, binata, kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, alas-7:00 ng gabi ay nasa kusina ang biktima nang pumasok sa loob ng kanilang bahay ang suspek at walang kaabug-abog na pinagbabaril ito habang nakatalikod gamit ang hindi malamang kalibre ng baril.

Narinig naman ng asawang si Norman na nasa labas ang magkasunod na putok at palahaw ng asawa kaya mabilis itong pumasok at inabutan pa ang suspek sa kusina at ang duguan at nakahandusay na misis.

Ayon kay Norman, posibleng ang naputol na maling-relasyon ng kanyang misis at suspek at ang isinampa niyang kaso sa tangkang pamamaril sa kanya noon ang posibleng dahilan nito sa pamamaslang.

vuukle comment

CRIME OF PASSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with