Smuggled frozen foods, nasamsam ng DA
MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga tauhan ng Sub Task Group on Economic Intelligence na pinangungunahan ng Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, NICA, NBI at PNP sa sinagawang anti -smuggling operation ang mga smuggled frozen goods sa isang vacant lot sa Navotas.
Ayon sa Task Force, ang mga kumpiskadong produkto na nasa 12 refrigerated container van ay kinabibilangan ng assorted frozen pork, beef, jumbo shrimp, eel, black chicken, crawfish, peking duck at dory fish fillet na may halagang P100 milyon.
Ang naturang mga smuggled products ay mula sa Vietnam, China, Germany at Belgium.
Ang naturang mga van nang buksan sa harap ng umano’y caretaker nito na isang Gilbert Abanso ay nagsabing wala siyang hawak na dokumento ng mga produkto tulad ng import permit at clerance permit.
Ang kontrabando ay nasa disposisyon na ng Bureau of Animal Industry, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para sa kaukulang full inventory at pagsasampa ng kaukulang kaso sa may ari nito.
- Latest