^

Police Metro

18-anyos na may autism todas sa police ops

Doris Franche - Pang-masa
18-anyos na may autism todas sa police ops
Ang biktima na idi­neklarang dead-on-arrival sa ospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa tagiliran ay nakilalang si Edwin Arnigo, special education (SPED) student at residente ng Assumption Ville, Brgy. Lingunan.
File

MANILA, Philippines — Napatay ng mga pulis ang isang 18-anyos na la­laki na may attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) matapos mabaril sa naganap na police ope­ration kontra sa ilegal na tupadahan sa Valenzuela City, kamakalawa ng  tanghali.

Ang biktima na idi­neklarang dead-on-arrival sa ospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa tagiliran ay nakilalang si Edwin Arnigo, special education (SPED) student at residente ng Assumption Ville, Brgy. Lingunan.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente, alas 12:30 ng tanghali noong Linggo sa isang bakanteng lote sa Assumption Ville kung saan pinasok ng mga pulis ang  tupadahan at nagtakbuhan ang mga  tao.

Ayon kay Helen Arnigo, ina ng biktima, isang putok ng baril ang kanyang narinig at nang hanapin niya ang kanyang anak ay nakita niya itong duguan habang nakahandusay sa harap ng kanilang bahay.

Humingi ng tulong si Helen  kay Mayor Rex Gatchalian para mabig­yan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang anak na umano’y binaril ng isang pulis na  nakasibilyan.

Posible umanong napagkamalan ng raiding team na kabilang sa mga tumatakas na violators ang biktima.

ADHD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with