^

Police Metro

Barko sumadsad: 3 patay, 10 missing

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang nasawi habang 10 ang nawawala matapos sumadsad ang cargo ship na LCT Cebu Great Ocean sa baybayin ng Barangay Cantappoy sa Malimono, Surigao del Norte noong Lunes ng hapon.

Ang mga namatay na pawang crew ng barko ay nakilalang sina Marvin Lusica, electrician; Norman Galon; at oiler Lemuel Davidas.

Kinilala naman ang anim na nasagip na crew na sina Noli Labucay, chief mate Roger Polo, Arjie Bacarra, Jojie Villanueva, Felipe Quebuen Jr., at John Renso Guanzon.

May kargang nickel ore at 2,000 litro ng krudo ang LCT Cebu Great Ocean nang hampasin ito ng malalaking alon na dala ng bagyong Bising na naging dahilan para sumadsad sa baybayin.

Inaalam pa ng PCG kung saan papunta ang nasabing cargo ship.

Hindi pa ibinigay ang pangalan ng sampung nawawalang indibidwal dahil sa patuloy ang Philippine Coast Guard at disaster response team sa search and rescue operations.

vuukle comment

BARKO

MISSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with