^

Police Metro

PRC nagbabala sa pekeng COVID-19 saliva test

Mer Layson - Pang-masa
PRC nagbabala sa pekeng COVID-19 saliva test
Sa isang pulong ba­litaan, sinabi ni PRC chairperson at CEO, Senator Richard Gordon na marami nang ibinebentang pekeng COVID-19 saliva tests online matapos na ilunsad nila ang naturang alternative testing service noong Enero.
Philippine Red Cross

MANILA, Philippines — Kasunod nang pagbubukas pa ng Philippine Red Cross (PRC) ng karagdagang mga sample collection sites sa mga malls sa buong bansa ay nagbabala  ito kahapon sa publiko laban sa mga naglalabasang pekeng COVID-19 saliva tests na ipinagbibili online.

Sa isang pulong ba­litaan, sinabi ni PRC chairperson at CEO, Senator Richard Gordon na marami nang ibinebentang pekeng COVID-19 saliva tests online matapos na ilunsad nila ang naturang alternative testing service noong Enero.

“There are some unscrupulous business people who are selling allegedly saliva tests and they add a fancy name— antigen,” ani Gordon.

“We are not there to push our products. We are not gonna do that... We are trying to stem the tide of the pandemic,” dagdag pa niya.

Nabatid na kahapon, ang PRC ay lumagda ng kasunduan na magbubukas ng 20 saliva collection centers sa Robinsons Malls sa buong bansa upang mailapit sa publiko ang lehitimong serbisyo ng saliva COVID-19 testing at mabigyan ng alternatibong mas mura, non-invasive at mas mabilis na paraan ng pagpapasuri laban sa virus ang publiko.

Ang pagpapa-book sa PRC para sa saliva testing, na nagkakahalaga lamang ng P2,000, ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng kanilang website.

Una nang nakipagtuwang ang PRC sa SM Malls at Araneta group para sa pagpapalawak ng kanilang COVID-19 saliva testing service.

Nitong Pebrero, dinala na rin ng PRC ang natu­rang serbisyo sa mga lalawigan. Hanggang nitong Pebrero 17, nabatid na ang PRC ay nakapagproseso na ng 11,800 COVID-19 saliva tests.

COVID-19

PHILIPPINE RED CROSS

SALIVA TEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with