^

Police Metro

‘Tax amnesty’ para sa ‘freelancers’ aprub na sa panel ng Kamara

Joy Cantos - Pang-masa
âTax amnestyâ para sa âfreelancersâ aprub na sa panel ng Kamara
Ayon kay Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, ang mga ‘freelancers’ ay maituturing na “tagapag­ligtas ng ekonomiya” at layunin ng kanyang HB 1527 na tiyaking mabigyan ng proteksiyon ang mga karapatang legal at mga benepisyo ang mahigit dalawang milyong Pilipinong ‘freelancers’ sa bansa.
The STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Pasado na sa ‘tax panel’ ng Kamara ang panukalang “Freelancers Protection Act” ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, na naglalayong patawarin sa pagbayad ng buwis ang mga ‘freelancers’ o mga nagtatrabaho mula sa ka­nilang tahanan ngayong pa­nahon ng pandemya.

Ayon kay Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, ang mga ‘freelancers’ ay maituturing na “tagapag­ligtas ng ekonomiya” at layunin ng kanyang HB 1527 na tiyaking mabigyan ng proteksiyon ang mga karapatang legal at mga benepisyo ang mahigit dalawang milyong Pilipinong ‘freelancers’ sa bansa.

Sasaklawin ng ‘tax amnesty’ ng HB 1527 ang ‘income taxes’ na nakapaloob sa Section 24 ng Tax Code, para sa mga ‘freelancers’ na kumikita ng kulang sa P1 milyon sa isang taon. Magiging 2% na lamang ito ng kabuuang kita na lampas sa unang P250,000.

Ayon kay Salceda, si­sikapin din niyang maam­yendahan ang iba pang isinasaad nito, kasama ang ‘percentage tax’ para sa mga hindi naman dapat magba­yad ng VAT.

TAX AMNESTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with