^

Police Metro

Skyway Stage 3, toll free pa rin

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hanggang hindi pa naisasapinal ng Toll Regulatory Board (TRB) ang panukalang toll rates ay maaari pa ring dumaan ng libre sa Skyway Stage 3 ang mga motorista.

Ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpus, hanggat hindi pa nagbibigay ng pormal na pag-apruba ang TRB sa ipinapanukalang toll rates sa Skyway Stage 3 ay hindi pa rin maaaring singilin ng toll fee ang mga motoristang dumaraan doon.

Matatandaang nitong Enero ay binuksan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang Skyway Stage 3 sa mga motorista at isang buwan itong ipinagamit ng libre.

Base naman sa obserbasyon ni Corpus ay malaki ang naitulong ng bagong bukas na skyway sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa EDSA dahil ang nasa  80,000 motorista na dating dumaraan sa EDSA ay dumaraan na ngayon sa Skyway Stage 3.

TOLL REGULATORY BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with