^

Police Metro

Mga bata, ‘di na papapasukin sa Luneta

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Simula kahapon, ipinagbabawal na ang pagpasok ng mga bata sa Luneta Park na nakasanayang pasyalan dahil na rin sa banta ng pagkalat ng COVID-19.

Sinabi ni Rizal Park Administrator Cecille Lorenzana Romero na kahit pinayagan pa nila na makapamasyal noong Pasko ang mga kabataan sa Luneta ay sinimulan na nila itong ipagbawal kahapon matapos mapagdesisyunan ng kanilang pamunuan at sa pakikipag-ugnayan sa Manila City government.

Mayroon umanong pami-pamilya na nagtutungo kasama ang mga bata na dumagsa nitong araw ng Pasko subalit dahil sa pagdagsa mas mabu­ting huwag na umanong payagang may mga batang makapasok sa Luneta lalo’t may bagong strain pa ng virus sa ibang kalapit na bansa at sa pagtaas na rin ng mga bagong kaso.

“Sa ngayon, para safe ang mga tao, ay hindi muna namin sila ia-allow kasama ang mga bata (na bumisita sa Luneta),” aniya sa isang panayam.

vuukle comment

LUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with