^

Police Metro

Illegal logging at mining talamak pa rin sa Isabela

Doris Franche - Pang-masa
Illegal logging at mining talamak pa rin sa Isabela
Sinabi ni Alyansa Tigil Muna (ATM) National Coordinator Jaybee Garganera wala man silang hawak sa ngayon na actual evidence ay maraming circumstancial at accounts mismo ng mga residente na magpapatunay na hindi natigil ang illegal mining at logging sa Isabela.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Binatikos ng ilang grupo si Isabela Go­vernor Rodito Albano sa patuloy nitong pagtanggi at pagsisinunga­ling na wala nang illegal logging at mining activities sa kanyang nasasakupan gayung unang umamin naman si Cagayan Go­vernor Manuel Mamba na mayroon pa rin ganung aktibidades na pinoprotektahan pa umano ng mga tiwaling mayor.

Sinabi ni Alyansa Tigil Muna (ATM) National Coordinator Jaybee Garganera wala man silang hawak sa ngayon na actual evidence ay maraming circumstancial at accounts mismo ng mga residente na magpapatunay na hindi natigil ang illegal mining at logging sa Isabela.

Anya, kung magkakaroon lamang ng aerial survey gaya ng ginagawa noon ng yumaong si Enviroment Secretary Gina Lopez ay makikita ang massive deforestatation at ang presensya ng mga heavy equipment na nagsasagawa ng quarrying at mining sa Isabela gayundin sa Cagayan.

Nagpahayag din si Kilusang Magbubukid ng Pilipinas(KMP) President Danilo Ramos na nakalulusot pa rin ang mga illegal loggers at miners dahil sa pagkunsinti ng lokal na pamahalaan at ang mga nagsasabi na wala umanong nang illegal logging at mining ay dapat na imbestigahan ng DENR at DILG dahil maaaring nagtatakip ito sa tunay na sitwasyon.

Inamin ni Mamba na may 3 alkalde na may kasabwat na uniformed personnel ang sangkot at protektor ng illegal logging sa Cagayan, hindi nito pinangalanan ang mga tiwaling alkalde na pawang mayaman na.

Sa datos ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO)  ang bayan ng Peñablanca at Baggao sa Cagayan ay nananatiling illegal logging hotspot zone sa probinsya.

Asahan anya na sa oras na matapos ang imbestigasyong ginagawa ng DENR at ni Interior Secretary Eduardo Año ay may mga mananagot na sangkot sa ganitong illegal na gawain.

Sinabi ni Año na ang nangyari sa Cagayan at Isabela ay dapat nang magsilbing wake up call sa bawat mamamayan na seryosohin ang eleksyon.  

ILLEGAL LOGGING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with