^

Police Metro

Halos 1.7K residente ng Bicol lumikas dahil sa bagyong Quinta

Jorge Hallare - Pang-masa
Halos 1.7K residente ng Bicol lumikas dahil sa bagyong Quinta
Ayon kay Office of Civil Defense Region V Director Claudio Yucot, pinakamaraming residenteng inilikas dahil sa banta ng baha at nang pagragasa ng lahar at pyroclastic materials ay mula sa mga barangay na nasa paanan ng bulkang Mayon sa bayan ng Guinobatan na umaabot sa 1,747 libo o 521 na pamilya habang 42-katao o 11-pamilya naman ang inilikas mula sa bahaing lugar ng bayan ng Canaman, Camarines Sur.
bagong.pagasa.dost.gov.ph

MANILA, Philippines — Inilikas ang halos 1,789 katao o 532 pamilya sa lalawigan ng Albay at Camarines Sur dahil sa banta ng bagyong Quinta.

Ayon kay Office of Civil Defense Region V Director Claudio Yucot, pinakamaraming residenteng inilikas dahil sa banta ng baha at nang pagragasa ng lahar at pyroclastic materials ay mula sa mga barangay na nasa paanan ng bulkang Mayon sa bayan ng Guinobatan na umaabot sa 1,747 libo o 521 na pamilya habang 42-katao o 11-pamilya naman ang inilikas mula sa bahaing lugar ng bayan ng Canaman, Camarines Sur.

Nasa 662 na mga pasahero at 302 namang mga sasakyan na karamihan ay cargo trucks ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa Kabikulan makaraang itigil mula noong Biyernes ang paglayag sa karagatan ng 23 na cargo at roro vessel.

Pinakamaraming stran­ded ay sa Matnog Port sa bayan ng Matnog sa Sorsogon na karamihan ay patawid sa Visayas Region.

Mula noong Sabado ay inilagay na ng OCD sa ilalim ng red alert status ang buong rehiyon at inihanda ang lahat ng mga kakailanganing gamit para sa paglilikas, search and rescue ng lahat ng sangay ng pamahalaan.

Inisyal na 14,555 na bilang ng family food packs ang inihanda ng Department of Social Welfare and Development sakaling kakailanganin ng mga local goverment unit (LGU) ang karagdagang ayuda para sa lahat nang maaapektuhang residente.- Mer Layson

BAGYONG QUINTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with