Senado nagbabala sa pagkaantala ng national budget
MANILA, Philippines — Nangangamba si Senate President Vicente Sotto III na posibleng maantala ang pag-apruba ng P4.506 trilyong 2021 General Appropriations Bill (GAB) matapos may makarating sa kanya mula sa Kamara na ipadadala sa Senado sa Nobyembre 5 pa gayung ang inaasahan nilang iskedyul ng pag-apruba nito sa Third and Final Reading ay kahapon na siyang huling araw ng Special Session na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa Senate discussion noong Huwebes, ay nagpahayag din si Senador Panfilo Lacson na ang mga miyembro ng Kamara ay maaaring magtrabaho sa pagitan pa ng Oktubre 16 hanggang Nobyembre 5 para masusugan ang budget.
Sinabi rin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, ito na umano ang “practice” sa Kamara.
Ayon kay Ranjit Rye, Assistant Professor of Political Science sa UP Diliman, na si dating House Speaker Alan Peter Cayetano ay nasa tamang direksyon sa skedyul ng budget bago siya pinatalsik bilang House Speaker ng kampo ni Velasco.
“Velasco doesn’t have a better plan or new idea about the budget.He just wanted to be Speaker,” sabi ni Rye.
Si Rye, isang observer ng Philippine politics na ang kanyang mga pananaw ay pinaniniwalaan ng domestic at foreign media na walang delay sa ilalim ng proposal ni Cayetano dahil ang National Budget ay sumailalim na sa amendments bago aprubahan ito ng Kamara sa Third at Final Reading.
- Latest