^

Police Metro

Online learner protektado ng PNP vs cyber bullying

Doris Franche - Pang-masa
Online learner protektado ng PNP vs cyber bullying
Inatasan na ni Casco­lan ang ACG na imonitor ang mga online learner lalo pa at lantad ngayon ang mga mag-aaral sa networld o cyber space dahil ito na ang karaniwang medium na ginagamit sa pag-aaral.
AFP/File

MANILA, Philippines — Sa pagsisimula ng blended learning ng Department of Education ay tiniyak ni Philippine National Police Chief, Gen. Camilo Pancratius Cascolan na protektado ng Anti-Cybercrime Group ang mga online learner laban sa cyber bullying.

Inatasan na ni Casco­lan ang ACG na imonitor  ang mga online learner lalo pa at lantad ngayon ang mga mag-aaral sa networld o cyber space dahil ito na ang karaniwang medium na ginagamit sa pag-aaral.

Sinabi ng PNP Chief na bagaman wala pang reklamo silang natatanggap na online class related bullying, dapat aniyang agapan nila ang ganoong senaryo.

Dahil lantad sa cyberspace at maraming makakausap ang mga learner, hindi maiiwasan ang kulitan at asaran na posibleng mauwi sa bullying na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa bata gaya ng pagkatakot, depresyon at pagkawala ng interes sa pag-aaral.

Kaya naman tiniyak ni Cascolan na kumikilos ang ACG para proteksyunan ang mga estudyante.

Pinaalalahanan din ni Cascolan ang mga magulang na ireport agad sa PNP-ACG sakaling makaranas ng cyber bullying ang kanilang mga anak na estudyante.

CYBER BULLYING

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with