Crame ni-lockdown ng HPG
MANILA, Philippines — Agad na inatasan ni Philippine National Police Chief General (PNP) Archie Gamboa si P/Brig. Eliseo Cruz, hepe ng Highway Patrol Group (HPG) na i-lockdown ang Kampo Crame matapos na makarating sa kanyang kaalaman na mayroong mga pulis na gumagamit ng mga hot car na kanilang mga narerekober sa operasyon.
Napag-alaman na sa tuwing may lalabas na mga sasakyan o may papasok na sasakyan ay iinspekyunin ang mga ito at titignan ang OR/CR o mga dokumento kung sa kanila ang gamit na sasakyan.
Ayon kay Gamboa, mahigpit na pinagbabawal ang paggamit ng mga sasakyan na narekober o mga ebidensya at dapat na managot ang sinumang gumagawa nito.
Sinasabi na nakarating sa kaalaman ni Gamboa, na mayroong mga pulis at opisyal na gumagamit umano ng narekober na sasakyan kapag nagustuhan nila ito.
Sinabi ni Gamboa na wala siyang sasantuhin kung sinuman ang mahuhuli na gumamit ng hot car at kanya niya itong pananagutin at kakasuhan.
- Latest