^

Police Metro

Senglot na anak, inutas ng ex-con na ama

Raymund Catindig, Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 40-anyos na lalaki ang agad na nasawi matapos saksakin sa dibdib ng kanyang sariling ama kamakalawa ng gabi sa Baggao, Cagayan.

Kinilala ni P/EMS Rommel Serrano ng Baggao Police ang nasawing biktima na si Rick Gawat, 40, isang driver, habang ang suspek ay ang ama nito na si Armando Gawat, isang ex-convict at kapwa residente ng Sitio Tueg, Barangay Bitag Grande sa nasabing bayan.

Lumalabas sa imbes­tigasyon, alas-10:00 ng gabi ay umuwing lasing ang biktima sa kanilang bahay mula sa pakiki­pag-inuman sa kanilang kapitbahay kung saan ay ginalit umano nito ang kanyang ama hanggang sa magkaroon sila ng mainitang pagta­talo.

Napuruhan ang nakababatang Gawat matapos undayan ng saksak ng kanyang ama sa dibdib gamit ang isang 14-pulgadang patalim na sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Tumakas at nagtago sa kabundukan sa lugar ang suspek na  nakulong ng mahigit sa 20-taon dahil sa kasong murder.

LASING

SAKSAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with