^

Police Metro

Go pinabibilisan ang pagpapatupad ng Balik Probinsiya Program

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para maihanda ang mga kailangan sa pagpapatupad ng Balik Probinsiya Program base sa objectives at timeline nito ay pinakikilos na ni Senador Bong Go ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno.

Iginiit pa ng Senador na dapat nang ilatag ang mga protocols dahil marami nang kababayan ang gusto nang umuwi sa kani-kanilang mga probinsiya kaya mahalagang matukoy at maipatupad ng mga government agencies ang mga initiatives para sa “immediate”, “medium term”  at “long term” phases ng panukalang programa.

Base umano  immediate o short term phase,  dapat ipatupad ng mga local government units ang quarantine protocols, COVID-19 testing at makipag-coordinate sa Department of Health bago nila tanggapin ang mga BPP beneficiaries.

Habang sa medium term naman, sinabi ni Go na kabilang dito ang pagtukoy sa mga pamilyang gustong mapasama sa BPP. Dapat aniyang masiguro rito ang employment, health, educational institutions, housing at peace and order.

Para naman sa ime­diate plans, iginiit ni Go na kailangan ng mga LGUs na maglagay ng mga help desk para sa mga nais lumahok sa BPP at kaila­ngang masiguro ang peace and order sa mga lugar na paglilipatan.

Nakasaad sa long term phase na kahit tapos na ang administrasyong Duterte, dapat pa ring mahikayat ang mga pamilyang naninirahan sa mga malalaking lungsod na lumipat sa mga probinsiya at magbigay ng mga insentibo para sa mga negosyanteng gustong mamuhunan doon.

BALIK PROBINSIYA PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with