^

Police Metro

2 tiklo sa P4.3 milyon overpriced instant noodles

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang inaresto ng mga otoridad dahil sa pagbebenta ng overpriced na instant noodles sa isang police operation sa Las Piñas City, kamakalawa.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi nang masabat ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group ang nasa P 4.3 milyong  halaga ng mga instant noodles sa dalawang suspek na sina Laurence Jimenez at Arwin Palacio sa isinagawang operasyon sa isang warehouse sa tapat ng isang mall sa Alabang-Zapote Road ng nasabing lungsod.

Nabatid na nagbebenta ang dalawang suspek ng mga instant noodles sa online ng P9.50 bawat isa na mataas sa suggested retail price (SRP).

Nasamsam sa mga suspek ang  2,100 boxes ng Lucky Me Chicken Noodles (72 x 55 gms);  2,940 boxes ng  Lucky Me Beef Noodles (72 x 55 gms); 1,364 boxes ng  Lucky Me Beef Noodles (Spicy) (72 x 55 gms); marked money at boodle money.

Ang mga nasamsan na mga instant noodle ay nagkakahalaga P4,380,336.00 na overpriced sa  total market value na P3,573,432.00 itinatakda ng  SRP ng DTI.

vuukle comment

INSTANT NOODLES

OVERPRICED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with