^

Police Metro

Sen. Go: Pagpapaunlad sa probinsya madaliin

Gemma Garcia - Pang-masa
Sen. Go: Pagpapaunlad sa probinsya madaliin
Ito ang iginiit kahapon ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na bukod sa tulong na mapaluwag ang Metro Manila ang programa ay naglalayon na palakasin at paunlarin ang ekonomiya ng mga probinsya na napapanahon dahil base sa pinakahuling tala ng Department of Health, 70 porsiyento na infected ng COVID-19 ay mula sa Metro Manila.
STAR/Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — “Kailangang madaliin ang pagpapaunlad sa mga probinsya para magtagumpay ang Balik Probinsya Program”.

Ito ang iginiit kahapon ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na  bukod sa tulong na mapaluwag ang  Metro Manila ang programa ay naglalayon na palakasin at paunlarin ang ekonomiya ng mga probinsya na napapanahon dahil base sa pinakahuling tala ng Department of Health, 70 porsiyento na infected ng COVID-19 ay mula sa  Metro Manila.

“Malaking factor po sa pagkalat ng COVID-19 sa Metro Manila ang congestion o overcrowding. Sabi nga ng mga eksperto, maraming global pandemics pa po ang mararansan ng mundo sa hinaharap. Kailangan po natin ng mas proactive at pangmatagalan solusyon dito upang mas maging handa tayo sa hinaharap,” wika ni Sen. Go.

Idinagdag pa ni Go na ang pinaka-epektibong solusyon sa dencongestion ng Metro Manila ay ang “Balik Probinsya Program” na kung saan ay  pag-aaralan din kung paano mas mae-empower ang mga probinsya upang magkaroon sila ng kapasidad na tulungan ang kanilang mga nasasakupan.

Ikinalugod naman ni Go, ang positibong pagtanggap sa isinusulong na programa lalo na ang ilang mga key officials ng pamahalaan tulad ng Department of Trade and Industry (DTI) na nakahandang magbigay ng karagdagang insentibo sa mga negosyo na itatayo sa mga probinsya.

vuukle comment

BALIK PROBINSYA PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with