^

Police Metro

Pagsulong ng tax reform ‘bad timing’- Imee

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maituturing na “bad timing” ang nais ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Kendrick Chua na ituloy ang pagsusulong ng tax reform measures kahit may COVID-19 pandemic.

Ito ang sinabi ni Senador Imee Marcos, chairman ng senate committee on economic affairs, na kapag ganitong may krisis dapat ay may tax relief o pagluluwag at paglilibre sa buwis sa halip na dagdagan.

Una nang sinabi ni Chua na matapos ang COVID-19 lockdown ay kailangang isulong ang nabiting tax reform measures para maisaayos ang kumplikado, hindi patas at hindi efficient na pagkolekta ng buwis para magkaroon ng dagdag na kita ang gobyerno na ganitong paraan ay hindi umano palaging uutang ang gobyerno ng pantulong sa mga nagigipit nitong pandemic.

Sa ilalim ng tax reform na nabitin sa Kongreso  dahil sa pandemic ay babawasan ang income tax ng mga korporasyon, subalit babawiin ito sa pagtatapyas o pagpapatigil ng kanilang mga tax incentives.

Iginiit ni Marcos na para hindi mabaon ang bansa sa utang ay sundin ng Malacañang  ang kanyang mungkahi na humingi ang bansa sa debt moratorium o makiusap sa mga bansa at financial  institutions para hindi muna pagbayarin ang Pilipinas sa mga interes ng utang nito.

Sa budget ngayong taon ng gobyerno ay mahigit sa P400 bilyon ang nakalaan na pambayad sa interes ng mga utang at maaari sana itong  magamit kung makikiusap muna na huwag bayaran para mapakinabangan ito para sa pagbibigay tulong pinansyal sa mga nagigipit ngayon.

TAX REFORM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with