^

Police Metro

2 pang PUI sa Cavite, pumanaw na

Cristina Timbang - Pang-masa
2 pang PUI sa Cavite, pumanaw na
Nabatid na isang 64-anyos na ginang ng Alfonso, Cavite, na umano’y asawa ng isang dayuhan na duma­ting sa bansa noong Marso 5 ang naunang nasawi bago pa man lumabas ang kanyang COVID test na positibo sa virus kahapon.

MANILA, Philippines — Dalawa pang persons under investigation (PUIs) na nagpositibo sa COVID-19 ang naidagdag sa mga namatay sa lalawigan ng Cavite.

Nabatid na isang 64-anyos na ginang ng Alfonso, Cavite, na umano’y asawa ng isang dayuhan na duma­ting sa bansa noong Marso 5 ang naunang nasawi bago pa man lumabas ang kanyang COVID test na positibo sa virus kahapon.

Lumalabas na nasawi ang ginang nitong Marso 22.

Sa Facebook page ni Mayor Randy Salamat, ipinapaalam niya sa lahat ng kanyang mga residente kahapon na lumabas na ang resulta ng isang PUI sa kanilang bayan kung saan nagpositibo ito sa COVID 19.

Aniya, dumating sa kanilang bayan sa Alfonso ang nasabing ginang noong Marso  5  mula sa United Kingdom kung saan wala pang deklarasyon ng gobyerno na community quarantine.

Nabatid na na-admit ang ginang sa ospital noong Marso 21 at agad na binawian ng buhay kinabukasan, Marso 22. 

Ayon pa sa nasabing alkalde, mayroon pa umano silang walong PUI na nagpapakita ng sintomas at may travel history sa mga lugar na may positibong kaso ng COVID-19, at may 1,083 na PUM na mga residente na nagmula sa ibang lugar.

Samantala, pumanaw na rin ang isa pang nagpositibo SA COVID-19 sa bayan naman ng Naic.

Sa FB page ng Naic at ni Mayor Juanio Dualan, inianunsyo na pumanaw na ang isa nilang  PUI bago pa man lumabas ang resulta nito na positibo sa COVID-19.

Dahil dito, isinailalim na sa  total lockdown ang Naic partikular na ang Brgy. Bucana Malaki upang hindi na kumalat pa ang virus.

Matatandaan na nagpositibo rin ang mismong alkalde matapos na magpa-swab testing kaya naka-self quarantine at ngayo’y nagpapagaling.

COVID-19

PATAY

PUIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with