^

Police Metro

‘PPE profiteers, hoarders arestuhin’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hiniling ni Quezon City Rep. Precious Castelo sa mga operatiba ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation (NBI) na arestuhin ang mga profiteers at hoarders ng mga Personal Protective Equipment (PPE) na nagsasamantala sa gitna na rin ng krisis sa COVID-19.

Ginawa ni Castelo ang pagkalampag sa PNP at NBI  sa gitna na rin ng pagbubulgar ng Lung Center of the Philippines (LCP) sa tubong lugaw na presyo ng PPE na mula sa dating P 500 ay ipinagbebenta na ito sa black market sa halagang P 3,000.00.

Sinabi ng mambabatas na madaling matutukoy ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang mga tiwa­ling negosyante na sangkot sa overpricing ng PPE.

Base sa reklamo ng mga opisyal ng Lung Center of the Philippines, bagaman may mga nabibiling PPE para mabigyan sila ng proteksyon na mahawa sa COVID-19 ay anim na beses na mataas ang presyo nito sa orihinal na halaga.

Sinabi pa ng kongresista na dapat kumpiskahin ang mga PPEs na overprice at i-donate na lamang ng gobyerno sa mga ospital na nangangailangan nito.

Ayon pa sa pamunuan ng Lung Center of the Philippines na ang kanilang  stock ay hanggang Marso 30 na lamang itatagal habang ang  Philippine General Hospital ay kinakapos na rin sa magagamit na mga PPEs.

vuukle comment

HOARDERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with